‘Mabilis’ na Kwentong Marawi

Ang compound ng provincial capitol ng Lanao del Sur

Salamat sa AFP sa pahintulot na mabisita ang ating tropa sa Marawi. Mabilis at kontrolado ang aming maigsing pagdalaw.

Simpleng bagay lamang ang aming dinala para sa tropa – mga underwear at burgers – pero nagulat kami sa naging pagtanggap ng mga sundalo at pulis. Sa unang checkpoint pa lamang sa Brgy Emie Punud, nagulat sila nang malaman na para pala sa kanila yung aming dala. Siguro nasanay na sila na karamihan ng dumarating na ayuda ay para sa ‘bakwits.’ Yung isang sundalo, sinuot agad yung isang medyas.

Unang checkpoint bago makapasok sa Marawi City

Pagpasok sa kapitolyo ng Lanao del Sur, medyo naiyak ako. Wala na sigurong hihigit pa na indikasyon ng martial law na makitang okupado ng military at pulis ang dating civilian government ng probinsiya. Kahit malayo, dinig ang pagbagsak ng bomba.

Ang mga barangay na nadadaanan papunta sa Marawi ay mukhang normal: may mga tao sa bahay, may paninda sa sari-sari store. Pero pagdating sa Brgy Emie Punud, biglang tahimik.

Ako, si Harry, Becky Lozada, at ilang opisyal ng Joint task Group Ranao: BGen Ramiro Rey, LTC Rosendo C.Abad Jr at LTC Jo-Ar Herrera (tagapagsalita ng AFP). Hindi nakasama sa larawan si MGen Danilo G. Pamonag.

Sabi ng isang sundalo sa amin, morale booster daw ang dalaw sa kanila. Basic ang kanilang pamumuhay. Nang masilip ko nga ang briefing room ng mga opisyal, ang nakita kong merienda sa mesa ay monay at peanut butter. Kanya-kanyang lagay ng palaman.

Mission accomplished sa ‘mabilis’ na pagbisita sa Marawi

Maraming evacuation centers sa labas ng lungsod. Marami akong nakita na sasakyan at tauhan ng Red Cross at DSWD. Tahimik lamang ang dalawang organisasyon na ito pero gaya ng AFP at PNP, naroon sila at ginagampanan nila ang kanilang misyon. 30

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *